Biyernes, Hulyo 18, 2014

Tawagin ninyo na lamang po akong Sad Buyer...

Hindi ako mahilig mag-Facebook at Twitter. Bago rin sa'kin ang pagba-blog. Ngunit, matagal-tagal na akong nakatira sa Lancaster Residences. Labis na'ng nasisira ng mga bashers ang pangalan ng project. Maigi sana kung totoo ang mga sinasabi nila; ngunit, pawang mga "twisted" facts and ikinakalat nila sa Facebook.

Tawagin ninyo na lamang po akong "Sad Buyer" at ito ang masasabi ko sa lahat ng nangyayari ngayon.

****

Mainit nanamang pinag-uusapan ang Lancaster at PRO-FRIENDS sa Facebook at iba pang Social Media websites. Hindi na ako nagulat. Parati na lang kasi, tuwing pagkatapos ng bagyo, naglalabasan ang mga negatibong tao. Sila yung may panatang makakuha ng scoop na puwedeng gamiting panira sa project. Pagkatapos, papasok sila sa Facebook o sa mga blog at manggugulo nang parang ito lamang ang makapag-papaligaya ng kanilang buhay.

Hindi totoo na lahat ng tao sa Lancaster ay hindi masaya. Marami-rami rin kami na kontento. 'Yun nga lang, karamihan sa amin ay hindi mahilig sa Facebook o Twitter. Narito ako ngayon upang ibahagi ang aking mga saloobin dahil sobra na. Ikaw mismo, marahil iniisip mong hindi na makatarungan ang ginagawang paninira sa project. Karamihan kasi sa mga negatibong pahayag ukol sa Lancaster ay overstatement, gaya ng:

1) "Bumabaha sa Lancaster." 

Bakit parating Lancaster na lang? Ang dapat sabihin ay, BINAHA noong Habagat ang buong Cavite at (malaking) parte ng probinsiya ang Lancaster New City. Nand'yan sa baba ang isang video mula sa ABS-CBN tungkol sa kung anong nangyari sa Cavite last year.

WATCH REPORT HERE: 

2) "Hindi matibay ang mga bahay sa Lancaster dahil natanggal ang mga bubong nito pagkatapos ni  Glenda."

 Kung naniniwala ka rito, hindi mo ba naisip na baka nasa 1% lang ng Lancaster ang nasa mga picture na nakita mo?  Hindi ba't higit sa 1,000 hectares na ang project? Hindi sapat ang 20 negatibong litrato na patunay, kung tutuusin. 

3) "Ang PRO-FRIENDS ay "EVIL" developer." 

Ano kaya ang  ibig sabihin ng pagiging "evil" sa mga taong naninira sa Lancaster? Ang sa'kin lang, nakikita ko namang aktibo ang community at estate management ng PRO-FRIENDS lalo na kung may paparating na bagyo. Nung isang linggo, habang sumasalanta si Glenda ay alam mong nagtatrabaho pa rin ang Village Admin nito. Kahit walang tubig at kuryente sa Cavite, hindi napabayaan ang mga residente ng Lancaster. Patunay: Buhay ang telepono ko kahit wala pang kuryente sa Lancaster; doon ako nag-charge sa Leighton.

Malakas ang kutob ko na hindi sila kagaya naming investment ang tingin sa Lancaster. Hindi biro ang bumili ng bahay. Kung totoong may-ari ka ng bahay sa Lancaster (kahit nagpa-reserve ka palang),hindi ka gagawa ng paraan upang bumaba ang value nito.